Wednesday , January 8 2025
Roderick Paulate Nora Aunor Mother Lily Monteverde FPJ

Kuya Dick pinasalamatan Nora, FPJ, Mother Lily sa 58 taon sa showbiz

MA at PA
ni Rommel Placente

ANG mahusay na komedyante at TV host na si Roderick ‘Kuya Dick’ Paulate ang pinarangalang Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award sa katatapos na 39th PMPC Star Awards For Movies, na ginanap noong Linggo ng gabi sa Widford Resort and Casino,

Bago ang parangal kay Kuya Dick ay ipinakita muna sa video ang ilan sa  mga nagawa niyang pelikula sa loob ng 58 years sa showbiz.

O ‘di ba, bongga si kuya Dick, ang tagal niya na sa showbiz pero hanggang ngayon ay active pa rin ang kanyang career. ‘Yun ay dahil sa pagiging professional niya, na hindi siya kailanman naging sakit ng ulo ng produksiyon sa mga serye at pelikulang ginagawa. At ang pagiging magaling niyang makisama sa lahat ng nakakatrabaho niya.

Sa acceptance speech ni Kuya Dick, hindi niya nakaiimutang pasalamatan si Nora

Aunor dahil nga Nora Aunor Ulirang Artista Lifefime Achievement Award ang iginawad sa kanya.

Laking pasasalamat ni Kuya Dick kay ate Guy, dahil isinama siya nito noon sa pelikulang  Alkitrang Dugo, na produced ng NV Films ng National Artist.

Pinasalamatan din ni Kuya Dick ang yumaong aktor na si Fernando Poe Jr., na aniya, ay malaki ang utang na loob niya.

Ang unang pelikulang ginawa niya kasi, ay si FPJ ang kumuha sa kanya, sa pelikulang Matimbang Ang Dugo sa Tubig, na gumanap siya rito bIlang young FPJ.

Pinasalamatan din ni kuya DIck ang  yumaong si Mother Lily Monteverde, ang producer ng Regal Films, dahil sa maraming pelikulang ibinigay sa kanya nito noon, na isa na rito ang Jack En Poy: Hale-Hale Hoy, na pinagsamahan nila ng best friend  na si Maricel Soriano.

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Kuya Dick ang mga tagasuporta/fans niya, na aniya, kung hindi dahil sa mga ito, ay walang Roderick Paulate sa showbiz.

Congratulations Kuya Dick.

About Rommel Placente

Check Also

Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia ibinuking Arjo elementary pa lang nangungulit na para mag-artista

RATED Rni Rommel Gonzales SEPTEMBER 5, 2024 nang manalo si Arjo Atayde bilang Best Lead Actor in …

Sugar Mercado Salome Salvi Intele Builders Development Corporation Cecille Bravo Pedro Pete Bravo

Sugar at Salome pinasaya thanksgiving party ng Intele

MATABILni John Fontanilla PINASAYA ni Sugar Mercado at VMX star Salome Salvi ang two-part Christmas …

Anjo Pertierra Mang Tani

Anjo idol si Mang Tani, minsang nagka-trauma sa bagyo

RATED Rni Rommel Gonzales MAHIRAP ang obligasyon ni Anjo Pertierra na weather reporter ng Unang …

Sylvia Sanchez Arjo Atayde Richard Somes Topakk

Sylvia espesyal FPJ Memorial Award sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales KAUSAP namin ang aktres at mega-producer na si Sylvia Sanchez bisperas …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, nakapagtala ng panibagong record  
HIGIT 267,000 MATERYALES NIREBYU SA LOOB NG 2024

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA LAYUNING mabigyan ng angkop na klasipikasyon ang lahat ng …