Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kate Yalung John Arcenas

Kate Yalung may lalim ang emosyon

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

KUNG mayroon mang movie premiere event na nangangabog din, pasok na pasok ang Idol: The April Boy Regino Story.

Hindi man ganoon kalalaking stars ang mga nasa movie, with new leads John Arcenas and Kate Yalung taking the top billing, very interesting ang story.

May mata si direk Efren Reyes sa mga anggulo at shots. Maayos din naman ang kanyang storytelling technique at maaantig ka talaga sa mga eksena habang kinikilig din sa love story nina April Boy at asawa niya.

Honestly, nahiya lang kaming umiyak during the movie screening sa ballroom ng Great Eastern Hotel hahaha. Pero kung sa sinehan siguro namin ‘yun napanood, naku, tiyak na tumulo na luha namin.

Given na rin na nag-deliver ng husay ang mga beteranong artista gaya nina Tanya Gomez, Dindo Arroyo, Irene Celebre, Rey PJ Abellana at iba pang may cameo appearances mula kay Imelda Papinhanggang kina Hero Bautista at Archie Adamos.

Sakto si John bilang si April Boy. Maganda ang timbre ng boses at talagang nailalapit nito ang kanyang pagkanta sa namayapang iconic singer ng mga hit song gaya ng Di Ko Kayang Tanggapin, Sana’y Laging Makapiling, Kahapong Nagdaan, Bulong ng Damdamin, among others.

Mahusay si Kate bilang si Madel na asawa ni April Boy. May lalim ang emosyon at matalinong artista kumbaga. Sana magkaroon pa siya ng maraming projects dahil nakikita naming sa pag-arte talaga siya bagay though magaling din siyang fashion designer.

Showing na ngayong Nov. 27 sa mga sinehan nationwide ang IDOL, the April Boy Regino Story. Tara, magkantahan at maaliw tayo!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …