MA at PA
ni Rommel Placente
SPEAKING of Vilma Santos, sinabi ng Star For All Seasons na hindi naging madaling gawin ang Uninvited. Involve rin kasi siya sa paggawa ng film. Kaya naman pagdating sa cast ay may sey din siya.
Ang isa sa importanteng role sa pelikula na
wala silang naiisip na pwedeng gumanap na iyon ay walang iba kundi si Aga Muhlach. Kaya nga tinawagan na rin siya ng aktor nang malamang inaalok ito sa kanya at kinompirma kung totoo nga na gagawa sila ng pelikula.
Matagal-tagal na rin kasi nang huli silang magsama at ito ay sa pelikulang Sinungaling Mong Puso at Nag-iisang Bituin na halos tatlong dekada na ang nakararaan.
Sabi raw ni ate Vi kay Aga, kailangan niyang tanggapin ito. Biro pa nga raw niya, dahil kung hindi ay magsosolian sila nina Aga at Charlene Gonzales ng kandila. Ninang kasi nila ito sa kasal. Doon daw nag-umpisa ‘yun. Kaya naman nabuo na nga ang pelikula.
Para kay Aga, paano naman daw siya makatatanggi nang ialok ito sa kanya? Napakasaya nito na makatrabaho muli si ate Vi. Sey niya, ‘It comes in three’s’ nga raw dahil ikatlo na itong pelikula na pagsasamahan nila.