MA at PA
ni Rommel Placente
PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. Kaka-post lang ng Star Cinema na ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ay pasok sa Top 10 movies sa Amerika. With $2.4-M gross at 248 sites. The movie also had the highest theater average of the weekend at $9.7K ayon ito sa Box Office Reports sa US.
Sa Pilipinas ay tumatabo pa rin ito sa takilya na 3 araw pa lamang ay umabot na sa P245-M. Ang bukod tanging local film na kumita ng ganoon kabilis sa loob lamang ng tatlong araw.
Ang nakalulungkot lang, kahit naman wala ng physical cd’s talamak pa rin ang pamimirata ng iba sa nasabing pelikula. Ang iba ay ibinabandera pa nga ang ilang clips na kuha sa sinehan sa kanilang mga social media accounts
Kaya naman nagbabala na ang Star Cinema at GMA7 na ire-report ang mga nagpo-post ng nasabing clips ng HLA para mabigyan ng kaukulang parusa.
Pero kahit ganoon hindi pa rin naman naapektuhan ang kita ng pelikula.
Sa ngayon ay nasa US, Canada, at Dubai ang KathDen para naman sa world premiere ng kanilang pelikula.