Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PA
ni Rommel Placente

MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay may aabangan silang teleserye sa aktor. May tsika kasi noon na nadesmaya raw ito sa  naging resulta ng kanyang comeback movie last February, ang I Am Not A Big Bird

Hindi ito masyadong tinangkilik sa takilya kaya naman may mga naisulat na nalungkot daw ito, dahilan kung bakit tumanggi siya na gawin ang seryeng pagsasamahan sana nila ni Daniel Padilla, ang  Incognito

Kaya naman good news dahil kinompirma ng aktor na tuloy na ang teleseryeng gagawin niya sa Kapamilya  Network sa susunod na taon. At hindi lamang siya ang bida kundi isa sa mga producer. 

Sey niya sa isang interview, “I think it’s also nice to create a little bit more. I think more of being an artist. I think it is also exciting on my end. I think it’s just growing up lang.”

Pagdedetalye pa niya na sa Europe raw kukunan ang pilot episode. Sinabi rin niyang romantic comedy ang naturang serye na may kaunting action. 

Hindi pa naman niya iniri-reveal ang cast at kung sino ang leading lady niya. 

Samantala, bago ang teleserye mapapanood muna si Enrique sa pelikulang  Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital na kalahok sa Metro Manila Film Festival na co-producer din ang aktor na sina Erik Matti at Dondon Monteverde.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …