Monday , April 14 2025
Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na magsagawa ng seminar sa mga opisina ng Senado tungkol sa pagsugpo ng fake news.

Ginawa ito ni Pimentel sa plenary deliberations ng 2025 General Appropriations Bill ng ahensiya nitong Miyerkoles, 13 Nobyembre 2024.

“Siguro, if they are very experienced in operating training seminars on how to manage, or correct fake news, out of a sense of corporate social responsibility, we can ask PCO to also train our offices,” sabi ni Pimentel.

Binigyang-diin ng senador ang kahalagahan ng ganitong training para sa fact-checking, lalo na sa panahon ng mga sesyon ng Senado.

“Kasi excited din kami kasi kailangan parati rin kaming tinatanong, kunwari kahit nag-hearing tayo dito, actually they want a real-time fact checking,” dagdag niya.

Ipinahayag ni Pimentel ang kanyang pag-asa na ang seminar ay magbibigay ng mahahalagang kaalaman mula sa PCO tungkol sa kinakailangang teknolohiya, kaalaman, at teknikal na kasanayan na kailangan upang epektibong masugpo ang fake news.

“We need the experience of the PCO—what technology do we need and what knowledge and technical skills do our people need to have? I’m looking forward to that seminar,” aniya.

Nakuha ni Pimentel ang pangako ng PCO kaugnay sa iminungkahing seminar vs. fake news.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …