Sunday , December 22 2024
COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para mapawalang bisa ang joint venture ng  Commission on Elections (Comelec) at poll service provider na Miru System.

Ayon kay Erice, dapat nang ideklarang null and void  ng SC ang kontrata sa pagitan ng Comelec at  MIRU matapos mag-withdraw ang local partner  nito na St. Timothy.

Sapat nang dahilan ang pag-alis ng St. Timothy sa joint venture para mapawalang-bisa ang kontrata nito sa Comelec.

Aniya, kung kumalas ang isang kasama sa joint venture wala na rin bisa ang partnership kaya dapat lamang na hindi ituloy ang kontrata ng MIRU.

Bunsod nito, dapat atasan ng Comelec ang joint venture na magsumite ng Net Financial Contracting Capacity (NFCC) na una nang isinumite ng St. Timothy.

Paliwanag ni Erice, sa pagkalas ng St.Timothy, wala nang katiyakan na sapat ang pondo sa nasabing kontrata.

“To allow the continuous implementation of the contract, St. Timothy, without the Filipino partner from whom the bulk of the funds will be sourced is akin to awarding and implementing a project with an entity ineligible to bid to begin with,” saad sa petisyon.

Umaasa si Erice na bibigyan pansin ng SC ang kanyang petisyon para sa hinahangad na maayos at tapat na halalan sa 2025. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …