Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang kanilang kakayahan sa paglaban sa malakihang operasyon ng money laundering sa bansa.

Sa plenary debate sa Senado tungkol sa panukalang pambansang badyet para sa 2025, ipinahayag ni Pimentel ang kanyang pagpuna sa AMLC sa mas maliliit na kaso habang ang mas malalaking transaksiyon ay nakaliligtas sa kanilang pansin.

“Hindi naman yata nagrereklamo ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa level ng ating committee report, so we wish them all the best,” panimula ni Pimentel.

Pero diin ni Pimentel: “Do a better job, basta do a better job. Kasi kaya ko tinanong kung may nakasuhang maliit na tao, tapos ‘yung malalaki na-discover na lang dahil pumutok na ang isyu. Medyo it doesn’t speak well of your agency, so do a better job. Dapat ‘yung nagpapasok ng bilyon huli agad.”

Ayon kay Pimentel dapat paigtingin pa o maging proactive ang AMLC sa pagsawata sa money laundering.

“Dapat ma-detect na ng system ninyo ‘yun, whether manual or computerized. Kahit manual, dapat huli ‘yun e. That’s my point,” aniya.

Suportado ni Pimentel ang dagdag na pondo para sa ahensiya sabay hamon na gamitin ito nang maayos: “So challenge na lang po ‘yun to do more with less, or to do more with what was given to you. We understand that you have to be assisted by some automated system or computerization.” (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …