Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zanjoe Marudo Ria Atayde How to Get Away from my Toxic Family

Zanjoe iginiit ‘di itinatago ang anak nila ni Ria — Masyado pang bata

MA at PA
ni Rommel Placente

PAGKATAPOS ng dalawang taong hindi gumagawa ng pelikula, muling mapapanod sa wide screen si Zanjoe Marudo. May gagawin siyang pelikula na produced ng OgieD Productions Inc, How to Get Away from my Toxic Family,na isinulat ni John Bedia at mula sa istorya ni Ogie Diaz.

Sabi ni Ogie, nanghingi ng workshop si Z para i-refresh ang pag-arte.

Naka-relate si Zanjoe sa kuwento dahil bilang middle child, ganito rin siya sa bahay nila.

Ang iba pang cast ng nasabing pelikula ay sina Susan Africa, Lesley Lina, Juharra Asayo, Richard Quan, Nonie Buencamino, Kim Rodriguez at iba pa, mula sa direksiyon ni Lawrence Fajardo.

Nagsimulang mag-shooting ang grupo kahapon, November 11, at ipalalabas sa January 22 next year exclusive sa SM Cinema Malls.

Samantala. nilinaw ni Zanjoe na hindi nila itinatago sa publiko ang panganay nila ng asawang si Ria Atayde. Masyado pa raw kasi itong bata para ibandera sa social media.

Marami kasing netizens ang nagsabing itinatago nina Zanjoe at Ria ang baby nila dahil hindi nila ito ipinakikita sa publiko. At may iilan pang nagtatanong kung hindi raw ba sila proud sa anak nila.

Sabi ni Zanjoe, “Hindi ko naisip ang name reveal o face reveal. ‘Pag may nagtanong at gustong makita, ipinakikita ko, at sinasabi ko ang pangalan. Pero hindi para iharap o post ko sa online.

“Wala pa siyang two months, masyado pang bata kaya. Hindi ko makita ‘yung point kung bakit ko siya kailangang i-post sa online.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …