Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dominic Roque Sue Ramirez

Ogie Diaz kinompirma Dominic nanliligaw kay Sue

MA at PA
ni Rommel Placente

KINOMPIRMA ni Ogie Diaz sa kanilang online show na Showbiz Update na nanliligaw ngayon si Dominic Roque kay Sue Ramirez.

Sabi ni Ogie, “Base sa source ko, ay nanliligaw daw itong si Dominic kay Sue.”

Spotted sina Dominic at Sue sa isang bar sa Siargao, na sweet na sweet at may video pang kumalat nag-kiss.

Si Dominic na nga raw ang ipinalit ni Sue kay Javi Benitez, na mayor ng Victorias City, Negros Occidental.

Sa pagpapatuloy ng kwento ni Ogie, “Ang balita ko pa ay nagpapadala pa raw ng food itong mommy ni Dominic Roque kay Sue Ramirez.”

“Ay, nakikiligaw ‘yung mother?” tanong ni Mama Loi.

Oo, pero ito’y nanliligaw pa lamang daw. Siyempre tinitimpla pa lang ni Sue kung siya na ba pagkatapos nila ni Javi Benitez. 

“Nakakaloka nga, dahil kapag may nagkukuwento raw kay Sue ng tungkol kay Javi Benitez ay parang naiirita raw si Sue! Parang ayaw ni Sue na naririnig ang pangalan ni Javi Benitez. Ibig sabihin hindi sila nagkatapusan ng maganda, maayos?  Hindi sila nag-break up ng friends pa rin?” 

May disclaimer din si Ogie na kung itatanggi ito nina Sue at Dom ay okay lang dahil baka pagdating ng araw ay lalabas din ang totoo.

Anyway, bukas ang aming kolum sa panig nina Sue at Dom.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …