Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Catriona Gray Sam Milby

Sam at Catriona magkasama sa eroplano, magkahiwalay ng upuan

MA at PA
ni Rommel Placente

NAG-POST ang Cornerstone Entertainment sa Instagram ng mga litrato, ng halos karamihan ng mga alaga nila tulad nina Sam Milby, Catriona Gray, Piolo Pascual at John Prats.

Ang nakalagay sa caption ng post ay, “Hey Canada, you’re in for a treat! #CornerstoneAllStarCanada #CornerstoneConcerts.”

May concert kasi sila sa Canada.

Kapansin-pansin sa mga litrato na bagamat magkasama sa eroplano ay hindi magkatabi sa upuan sina Catriona at Sam. Ang best friend na si John ang katabi ni Sam. Kaya naman napa-react ang mga netizen, kabilang na ang kanilang mga tagahanga, na umaasa pa rin na magkakabalikan ang dating magdyowa.

Narito ang ilan sa mga comment mula sa IG post ng Cornerstone.

“Di na sila magkatabi sa seats catsam.”

“At least they’re still friends. yan ang maganda sa mga mag ex. hindi yong nag sisiraan at naging magkaaway sa huli hehe.”

“Nakakasad lang CatSam no more, their US concert last year was a huge success with of course konting kilig from CatSam (broken heart emoji) Moving on….for sure my fellow Filcans will have a blast with this CS all star concert and for Sam’s solo performance this time.”

“All of a sudden no more catsam.”

“I think sam and cat is personally something a big problem.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …