Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Camille Prats John Prats

Camille walang nanligaw na artista dahil sa higpit ni John

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Camille Prats sa Fast Talk With Boy Abunda, na kasama ang kuya niyang si Johntinanong siya kung sino ang first love niya?

Sagot ni Camille kay Boy Abunda, nagsisimula sa letter C. Na ‘yun ay walang iba kundi si Carlo Aquino, na naging puppy love ng aktres.

Kuwento ni Camille, totoong minsan na rin niyang naka-date noon si Carlo, pero napurnada iyon nang pumasok sa eksena ang kuya John niya.

Hindi naman daw niya kino-consider na first love si Carlo kundi puppy love lang.

Hindi ko naman idinenay, ‘di ba? Hindi ko naman idinenay.”

Pagbabalik-tanaw naman ni John,  magkakasama sila noon nina Carlo at Stefano Mori sa bandang JCS. Wala siyang kaalam-alam na nililigawan na pala ni Carlo ang kanyang sisteraka.

“I can still remember noong nangyayari ‘yung mga moment na ganyan, siyempre, JCS, banda kami.

“Tapos hindi namin alam, pinopormahan pa niyong isa ‘yung kapatid ko. Noong nalaman ko talaga, para kaming mga ‘Wag natin papansinin ‘yan, Stefano, ha?’” natatawang kuwento ni John.

Sey naman ni Camille, medyo na-guilty siya that time, dahil feeling niya siya ang dahilan kung bakit hindi pinapansin ng mga kabanda niya si Carlo.

Pina-feel niya (John) talaga na ‘Bad trip ako sa ginawa mo.’”

Sobrang protective raw talaga ni John kay Camille na siyang naging dahilan kung bakit wala na siyang naging manliligaw o karelasyong artista.

Kasi lahat, kaibigan niya. So parang lahat, ‘Bawal nang ligawan si Camille,’ kasi kilala si Kuya,”rebelasyon pa ni Camille.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …