Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
JC de Vera

JC laging buntis ang asawa sa tuwing pumipirma ng kontrata

MA at PA
ni Rommel Placente

ISA pang mananatiling Kapamilya ay si JC de Vera matapos din itong muling pumirma ng panibagong kontrata sa ABS-CBN

Way back 2013 nang lumipat ang aktor sa Kapamilya Network at simula noon ay wala siyang pagsisisi sa naging desisyon dahil nahasa nang husto ang kanyang craft bilang aktor. 

Kaya naman always  looking forward si JC sa contract signing niya as Kapamilya, dahil panibagong opurtunidad ito na mag-grow pa siya as an actor. 

Pagtanaw niya sa mahigit 21-years niya sa showbiz, ang masasabi niya na ang biggest challenge sa career ay ang longevity. Kung paano niya napatagal ang sarili sa industriya at kung paano napanatiling exciting pa rin ang career. 

Nagpapasalamat naman siya sa kanyang mother network na hindi pa rin siya pinakawalan. Still growing as an actor, motivated at excited pa rin si JC sa mga gagawing projects in the future. 

Sa Kapamilya ay nabansagan siyang versatile actor which is nakaka- pressure sa kanya, pero up to the challenge raw siya. 

Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang yumaong manager na si Leo Dominguez

Sa huli, masayang ibinahagi ni JC na sa tuwing magsa-sign siya ng panibagong kontrata ay buntis ang asawang si Rikkah tulad na lamang ngayon, na preggy ito sa pangatlo nilang anak.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …