Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
GMA 7

Eskandalo sa ilang GMA artists sunod-sunod 

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

PINAG-UUSAPAN sa ilang seryosong blogs ang umano’y pagiging mas relevant daw ngayon ng GMA 7 artists sanhi ng halos magkakasunod na eskandalo ng ilang mga alaga nila.

Dati-rati raw kasi ay laging ang ABS-CBN ang nangunguna sa mga kagayang eskandalo pero simula nga raw nang mawalan ito ng franchise ay tila nag-iba na ang pormahan ng mga showbiz news sa industriya.

Sa latest demanda kasing isinampa ni Rita Daniela kontra Archie Alemania sa isyu ng sexual abuse, tila lumalabas ayon sa mga netizen na existing at rampant talaga ito.

Lalo pa’t sinampahan na rin ng kaso ang dalawang contractors ng GMA 7 na inakusahan ni Sandro Muhlach ng kasong sexual abuse rin.

Nakaloloka ngang kahit ‘yung kay Ken Chan na idinemanda dahil umano sa mga nagtalbugang tseke o kabayarang hindi natupad sa negosyo ay iniuugnay na may sexual favors din umano?

Nakakaloka…ganyan na ba ang pagiging relevant ngayon sa TV industry?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …