Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Wayne Sace Vilma Santos

Vilmanians nalungkot sa krimeng kinasangkutan ni John Wayne Sace

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NALULUNGKOT ang mga kapwa Vilmanian na nagkuwento sa amin hinggil sa kinakaharap na kaso ngayon ng dating aktor na si John Wayne Sace.

Hinuli kamakailan si John Wayne sa salang pagpaslang sa kaibigan sa isang lugar sa Pasig.

Droga umano at isyu ng hindi pagkakaunawaan ang nagsilbing mitsa ng krimen kaya’t nakakulong ngayon ang dating aktor.

Lungkot na lungkot ang mga kapwa Vilmanian na naging close friend pala ni John Wayne noong naging bunsong anak ito ni Ate Vi sa classic and award-winning movie na Dekada ’70.

Nakakausap pa namin dati iyan. Malambing at hindi lang talaga palasalita. The last time na nakabalita kami tungkol sa kanya ay noong nagsisimula na nga siyang masangkot sa mga isyu-isyu ng hindi pagsipot sa mga taping at shooting hanggang sa manawa na ‘yung mga show na kumukuha at nagtitiwala sa kanya. 

“Nakalulungkot kasi nakita namin ang pagbibinata niyan at ang husay niya sa pagganap. Napunta sa maling landas, sayang,” kuwento pa ng mga kaibigan natin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …