PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MUKHANG si Kim Chiu nga ang sinasabing bagong calendar girl ng Tanduay Rhum come 2025.
Sa tila teaser photos na pinag-uusapan sa socmed ngayon, kawangis ni Kim ang naka-blur na mukha ng sinasabing bagong endorser nito.
Mabilis naman sa pag-konek ang mga supporter niya sa isang post ng aktres na umano’y kinabahan ito.
Kilalang sexy at hot ang mga pictorial ng naturang liquor brand na nagki-cater nga sa mga kalalakihan at ilang mga ka-federaciong ‘gurl’ sa LGBTQ community.
For sure, muli itong ikagagalak ni Paulo Avelino na umano’y nagbigay din ng very special token kay Kim after nitong manalo sa Magpasikat at dinagdagan pa ang pondo para sa napili nilang charitable institution na itutulong sa mga biktima ng bagyong Kristine sa Bicol.
Impress na impres nga si Paulo sa gesture ni Kim kaya’t personal din itong nag-abot ng kanyang tulong plus nga yung umano’y special prize nito sa napapabalitang GF niya.