Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Panganiban

Angelica excited simulan low impact workout matapos maoperahan 

MA at PA
ni Rommel Placente

IBINAHAGI ni Angelica Panganiban sa kanyang YouTube vlog,  ang kanyang health journey na nagpapagaling na siya matapos sumailalim sa hip replacement surgery, ilang araw na ang nakararaan.

Sabi ni Angelica, “Swiftly naman akong nakaka-recover. Fourth day after the surgery nakalakad na ako without the walker.

“Medyo mayabang ‘yun kasi hindi lahat nagagawa ‘yun and siyempre iba-iba naman tayo ng pag-recover, kanya-kanyang katawan ‘yan, kanya-kanyang midset ‘yan,” pagbabahagi ni Angge.

“Siguro talagang ako ay palaban and kating-kati na talaga akong makalakad ng normal. Yes, nakakapag-mall na kaming pamilya, nakakapasyal na.”

Kung minsan daw ay nakararamdam pa rin siya ng sakit sa kanang bahagi ng balakang na hindi pa naooperahan.

Although still, talagang iniinda ko pa rin ‘yung right side ng hips ko. At least hindi na parehas, hindi na parang bibigay ‘yung buong lower body ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

“Manageable ‘yung pain, pero siyempre hindi pa rin 100 porsiyento ‘yung naramdaman kong ginhawa so, I am hoping na sa therapy na ginagawa ko ay makatulong ‘yun sa aking naiwang right hip,” sey pa ng aktres.

Sisimulan agad ni Angge ang tinatawag na low impact workout kapag may clearance na mula sa kanyang doctor.

Medyo excited ako roon kasi mai-strengthen talaga ‘yung katawan ko and noong ginagawa ko siya, nakatutulong siya na mabawasan ‘yung pain.

“Kasi nalilipat talaga niya ‘yung strength ng lower body ko sa mga muscle. Lumalakas kahit paano ‘yung muscles ko sa legs,” esplika pa ng aktres.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …