Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ogie Diaz Quizmosa

Ogie Diaz aminadong nami-miss paggawa ng teleserye — pero hindi na kaya ng katawan ko

MA at PA
ni Rommel Placente

SI Ogie Diaz ang host ng bagong show ng TV5 na Quizmosa na mapapanood mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. after Eat Bulaga. Ang pilot episode nito ay sa October 21.

Masaya ako kasi..sabi ko nga ito ‘yung tipo ng ano eh..nagba-vlog ako, alam ko kung kailan ako ga-graduate roon, sa vlogging. ‘Pag TV naman hindi mo alam kung kailan ka ga-graduate. Kasi ‘yung vlog, hawak ko, eto hindi ko hawak,” sabi  ni Ogie.

Patuloy niya, “Panibago na namang challenge sa buhay. Pero ang tagal ko na rin kasing ginagawa ito. Hindi ko naman siya sinasabing na-master ko na siya, inaaral ko pa rin. 

Mahirap at challenging at the same time exciting.”

Ngayong balik-telebisyon si Ogie, magbabalik din kaya siya sa paggawa ng teleserye? Marami na rin kasi siyang ginawang teleserye before.

Teleserye, definitely hindi! Nami-miss ko (ang paggawa ng serye), pero hindi na kaya ng katawan ko. Ang dami-dami ko nang ginagawa.

“Nagmi-maintain ako every other day ng vlog sa ‘Ogie dIaz Showibiz Update.’ Pati ‘yung kailangan every six days naglalabas ng one on one interview ko sa isa ko pang vlog. Tapos ginagawa ko pa ito. Tapos may pamilya pa ako.

“Lima ‘yung mga anak ko. Kailangan ko ring asikasuhin, kailangan ko ring makausap, makamusta everyday.

“Kaya, hindi naman lahat ‘yung feeling mo kasi kaya mong gawin, sisingilin ka rin ng katawan mo balang araw. Kaya bina-balance ko lang muna,” wika ni Papa O.

Hindi naman nagsasalita ng tapos si Papa O na hindi na ulit siya aarte sa harap ng kamera.

Hindi naman. Bibigyan ko pa rin naman ng chance. At saka mahirap magsalita ng tapos.

“Pero  ang nakatutuwa, may demands.  Doon ako natutuwa na kahit hindi ko tanggapin (offer sa teleserye), ilang beses na akong tumanggi.

“Alam mo ‘yung ‘ay may asim pa rin?  ‘Yung katotohanang may asim ka pa rin, malaking bagay sa akin ‘yun.

“Hindi ‘yung ‘hala wala nang nag-aalok sa akin. Wala na yatang may gusto sa akin. Laos na yata ako,’l aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …