PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
PUMALO na sa 12 million ang worldwide subscription ng VivaMax na may bagong VMX logo. May paandar ito simula ngayong October hanggang December ng isang dosenang regalo.
Una na nga ang bagong VMX logo na bahala na ang mga subscriber sa pag-iisip ng bonggang kahulugan.
Then, nagawa na nga finally ang pag-crossover sa mainstream filmmaking via Unang Tikim movie.
Sa trailer pa lang ay parang award-winning na ang awrahan ng Celestina: Burlesk Dancer na isinulat ni National Artist Ricky Lee at directed by Mac Alejandre. December ang playdate nito at bida rito si Yen Durano.
At dahil numero uno nga sa streaming app ang VMX, mag-ready na nga po tayo sa mga sumusunod na titles na soon ay bubulaga sa atin: Tatsulok, Halinghing, Krista, Undergrads, Donselya, Baligtaran, Ungol, Kabitan, Maryang Palad at napakarami pang iba.
Congratulations VMX.