Sunday , April 6 2025
Lovi Poe JM de Guzman Jameson Blake

JM at Jameson kinikilig sa boses ni Lovi

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SHOWING na ngayong Oct, 16 ang Guilty Pleasure nina Lovi Poe, JM de Guzman, at Jameson Blake na idinirehe ng college classmate and friend naming si Connie Macatuno.

Si Lovi lang talaga sa mga kasalukuyang aktres ang may kakayahang maging mapangahas tumalakay o gumanap on wide screen ng roles na may sensualidad and yet relevant. With all due respect kina Anne Curtis at Cristine Reyes na kapwa mahuhusay din sa ganitong roles, iba kapag si Lovi ang umaatake at nagpapakita ng skin kumbaga.

Bukod kasi sa karisma nito, iba ang awra ng very soothing voice na kapag narinig ng mga kaeksena, naeengganyo sila.

Sey nga ni JM, “nakakadagdag ng emosyon, ng “elan,” ng something na ewan. Kahit sa mga simpleng palitan namin ng lines, ang galing-galing niyang mag-modulate ng boses. Bato ka na talaga kung hindi ka maapektuhan.”

“I can only agree. She has this very natural voice na kapag narinig mo, you will feel like a child na sunod-sunuran na lang,” segue naman ni Jameson sa experience niya on Lovi’s very commanding voice.

Ay, nakakalokang tsikahan sa boses pa lang iyan ha. Paano pa yung kabuuan ng movie.

About Ambet Nabus

Check Also

Lance Raymundo Ruru Madrid

Lance, Ruru matindi sagupaan/harapan 

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAPANOOD ngayon sa Lolong ng GMA ang actor/singer/host/influencer na si Lance Raymundo. “Sa ‘Lolong,’ para siyang …

Ruru Madrid Tessie Tomas Rowell Santiago Ketchup Eusebio

Ruru pinuri ni Ms Tessie; Rowell pasok sa Lolong  

RATED Rni Rommel Gonzales ISA si Tessie Tomas sa mga bagong mukhang mapapanood sa Lolong: Pangil ng Maynila. …

Maka

 MAKA may mahigit 200M views na 

RATED Rni Rommel Gonzales PATOK na patok sa panlasa ng mga Gen Z at ng …

Sparkle Prime Workshop

Sparkle Prime Workshops for Summer 2025 tuloy ang enrollment 

RATED Rni Rommel Gonzales MAAARI pang mag-enroll para sa Sparkle Prime Workshops na maraming exciting classes ang …

Kris Aquino

Kris nakahahabag sa sobrang kapayatan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ISA rin kami sa mga nagtataka kung bakit sa gitna ng …