PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
PAGBATI na rin ang aming ipahahatid sa grupo ng Wonderful PINAS na umere na kahapon sa UNTV, 9:00 a.m.. Hosted by retired General Rhodel Sermonia o si GenRos at mahal nating kaibigan, direk Albert Martinez, napaka-promising ng show.
Hindi lang ito basta travel show na nagtatampok ng ganda ng mga lugar o sarap ng pagkain o magandang hospitality ng mga Pinoy, kundi show din ito na nagsisiguro at nagbibigay garantiya na ‘safe and secure’ ang mga lugar sa buong bansa. Lalo na nga ‘yung mga lugar sa Visayas at Mindanao, gaya ng Sulu, Jolo, Basilan at marami pang may stigma o notion na kinatatakutan.
“Iyan talaga ang nais naming ipakita, iparamdam at i-share sa lahat. Safety at security na sa sariling atin dapat ay una nating nararanasan,” sey ni GenRos na matagal ng kaibigan ni direk Albert.
Segue naman ng magaling na aktor, “ako naman, gagarantiyahan ko ‘yung swak at sakto sa budget. Sa dami ng mga still to explore na mga lugar sa bansa, hindi dapat maging expensive o luxurious ang pagbabakasyon o pamamasyal.”
Very inviting ang concept ng show dahil bukod sa tourism at pagkakaroon ng safe and secure travel, layon din nitong ipakita ang culture, heritage, customs and tradition, values, food, local folks, etc na madalas daw ay nai-ignore sa ibang shows dahil naka-pokus nga lang lagi sa ganda ng lugar.
May plano pa silang mag-out of the country to see and share the lives of our OFWs there.
Bukod kina GenRos at Albert, magiging guest co-hosts din ng Wonderful Pinas sina Alvin Anson, Dennis Coronel Macalintal, at Michele Gumabao.