PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MAY nagtanong sa amin kung bakit sa Camarines Sur at hindi sa Albay province nag-file ng kanyang candidacy si Marco Gumabao?
Sa ika-4 na distrito ng Camarines Sur province at hindi sa lugar nila sa Albay (na naroroon ang angkan ng kanyang nanay) ninais ni Marco na magsilbi.
Ka-alyansa niya ang pamilyang Villafuerte na deka-dekada na ring nasa public service ang pamilya.
Hayaan po ninyo, kapag nagkita kami ni Marco ay itatanong natin sa kanya iyan dahil may mga kapwa taga-Albay din po na nagtatanong sa amin lalo’t mas madalas nga raw makita at puntahan ng hunk actor ang naturang probinsiya ng nanay niya at mga kaanak.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com