Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sam Verzosa Willie Revillame

Willie sa sariling bulsa nanggaling papremyong ipinamahagi sa mga guro

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SAYANG, hindi namin personal na naabutan si Willie Revillame last Sunday sa Grand Hyatt Hotel sa BGC, Taguig.

Itatanong sana namin kung totoo ang nasagap naming tsika na nagpadala siya ng representative at ilang business partners earlier that day para sa “auction announcement” ni Congressman Sam Verzosa o SV.

Nag-anunsyo kasi si SV via mediacon na ipapa-auction ang sampu sa kanyang luxury cars collection para sa planong pagpapatayo ng dialysis at specialty hospitals sa ilang areas sa Manila.

Milyones ang kakailanganing mai-raise ni SV for such a cause kaya’t bilang may mga gaya siyang “mamahaling koleksiyon,” naisipan niya itong ipa-auction para makatulong masimulan ang proyekto.

And knowing Kuya Wil na mahilig din sa mga ganoong bagay, o ang mga kapartner nila sa negosyo, alam nating magtutulungan sila ni SV.

Hindi nga nakadalo sa naturang announcement si Kuya Wil dahil naging pre-show ng Gabay Guro grand gathering ang Wil to Win on that same day, sa bagong renovate na Meralco Theater na dinagsa ng libo-libong mga guro.

Balita namin napakaraming mga guro ang pinaligaya ni Kuya Wil dahil sa mismong bulsa niya at sa show niya nanggaling ang mga ibinahagi nilang papremyo o token.

O ‘di ba nga at naambunan pa kaming nasa Grand Hyatt Hotel that time kung saan nga kumain sa paborito niyang resto si Kuya Wil.

Ikaw na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

CoJ Cup of Joe Stardust

Cup of Joe’s Stardust int’l leg kasado na

I-FLEXni Jun Nardo KASADO na ang Stardust international tour ng multi-awarded record breaking band na Cup of Joe. …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …