PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
INAABANGAN ng marami ang pag-file ng certificate of candidacy ng mag-iinang Vilma Santos, Luis Manzano, at Ryan Christian Recto sa Batangas.
Muling tatakbo ang Star for all Seasons bilang Batangas Governor, habang Vice Governor naman si Luis, at Congressman sa 6th district si Ryan.
Masaya ang lahat ng mga taga-Batangas na napatunayan at naranasan na ang kultura ng paninilbihan ng Santos-Recto.
Lahat naman ng Vilmates/Vilmanians ay excited sa balita at nangako pang kahit hindi sila taga-Batangas ay maaasahan sila sa mga gawaing-politikal ni ate Vi.
Ang sinasabing makakatunggali sana ni Ate Vi na si VG Mark Leviste ay sa pagka-Kongresista na tatakbo dahil wika nito, “hindi natin kayang tapatan o banggain ang isang Vilma Santos.”