Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard at Barbie spotted na magkasama sa Italy

MA at PA
ni Rommel Placente

NAKITA na magkasama sa Rome, Italy ang rumored sweethearts na sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial.

That time, nasa Italy si Richard para sa taping ng upcoming series nila nina Daniel Padilla at Ian Vereracion na  Incognito, mula sa ABS-CBN.

Sa isang post sa Facebook, ibinahagi ng isang Filipino restaurant sa Rome na naging customer nila sina Richard at Barbie para sa isang tanghalian.

Pinaunlakan ng dalawa ang mga staff ng restaurant na nais magpakuha ng picture sa kanila.

Caption ng post ng Manila Restaurant, “Thank you Mr Richard Gutierrez and Ms Barbie Imperial for your visit and a quick lunch here in Manila Restaurant.”

Komento naman ng isang netizen, “’Yung nilolow-key niyo lang tapos ipinost kayo niyong kinainan niyong restaurant.”

Bakit nga kaya nasa Italy din si Barbie to think na hindi naman siya kasama sa naturang serye? Isinama nga lang kaya siya roon ni Richard or baka naman may special participation ang dalaga sa Incognito?

Hanggang ngayon ay hindi pa inaamin nina Richard at Barbie ang totoong estado ng kanilang relasyon.

Pero kumbinsido ang marami na may something na sa dalawa.

Noong birthday din kasi ni Barbie, August 1, 2024, ay dumalo roon si Richard na kasama pa ang ina nitong si Annabelle Rama

Bago ito, namataan din si Barbie sa lamay ng sister-in-law ni Richard na si Alexa Gutierrez, na asawa ng nakatatandang kapatid ng aktor na si Elvis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …