PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
GOOD news naman para sa Vilmates/Vilmanians dahil nasa interesting stage na ang mga librong ililimbag ng UST Publishing House sa guidance at support ng UST community.
Mayroong inihahandang “big reveal” ang mga grupong naka-assign sa tatlong mga libro about Vilma Santos sa paparating nitong kaarawan ngayong November.
Yes, you read it right, hindi lang isa kundi tatlong napaka-interesanteng mga likhang-libro ang nakatakdang maging ‘yaman at koleksiyonng mga mahihilig kay Ate Vi at sa mga likhang sining na pelikulang kanyang nagawa, TV shows, advocacies sa politics, at scholarly discussions ng mga naging ambag niya sa industriya at sa lipunan in general.
Ang mga grupong kasalukuyang gumagawa at namamahala ng mga ito ay mga propesyonal at kilalang mga tao sa larangan ng multimedia, academe, broadcast, tv and film, and cause-oriented institutions na may malalim na pagtingin sa kultura, sining, at edukasyon.
Abangan po ninyo ang updates very soon para sa coffee table book, scholarly book, at filmography book ng nag-iisang Vilma Santos.