Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
NAIA Parking

Kada oras na parking fees sa NAIA terminals epektibo na

HUWAG magulat.

Ipinatupadna ang bagong parking rates sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay base sa kautusan na inilabas ng New NAIA Infra Corp., na pirmado ng general manager na si Angelito Alvarez.

Batay sa naturang kautusan, ang parking para sa sasakyan ay P50 sa unang dalawang oras habang ang mga susunod na oras ay P25 at sa overnight parking naman ay nagkakahalaga ng P1,200.

Samantala, sa motor naman para sa unang dalawang oras ay P20, habang ang mga susunod na oras ay P10 at sa overnight parking naman ay nagkakahalaga ng P480.

Sa bus ay P100 ang unang dalawang oras habang ang mga susunod na oras ay P50 pesos at sa overnight parking naman ay nagkakahalaga ng P2,400.

Paliwang ng NNIC, ang naturang halaga ay kailangan para maging maayos ang maintenance at improvement ng mga pasilidad nito. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …