Friday , April 25 2025
Taguig

Boto ng Embo constituents tiniyak ng Comelec

PINURI ni Senador Alan Peter Cayetano  ang Commission on Elections (Comelec) nang ilahok ang 10 barangay mula sa Enlisted Men’s Barrios (EMBO) sa dalawang distrito ng Taguig.

“I’m grateful to the Comelec for ensuring that the people of EMBO will have the representation they deserve, especially since we’re (nearing) the filing of candidacy for the 2025 elections,” wika ni Cayetano sa bisperas ng paghahain ng kandidatura para sa 2025 midterm elections.

Matatandaang pinangunahan ni Cayetano ang mga hakbang sa Senado upang tiyakin ang representasyon ng mga barangay ng EMBO sa pamamagitan ng Senate Concurrent Resolution No. 23.

Kaakibat ng resolusyong ito ang House Concurrent Resolution No. 37 na inihain ni Taguig-Pateros Representative Ricardo “Ading” Cruz, Jr., na naglalayong isama ang mga barangay ng EMBO sa dalawang distrito ng Taguig at dagdagan ang bilang ng mga konsehal sa lungsod.

Nitong 25 Setyembre 2024, naglabas ang Comelec ng walong-pahinang resolusyon na naglalaman ng paglahok ng mga barangay na Pembo, Comembo, Cembo, South Cembo, West Rembo, East Rembo, Pitogo, Rizal, Post Proper Northside, at Post Proper Southside sa Una at Ikalawang Distrito ng Taguig.

Tinaasan din ng resolusyon ang bilang ng mga konsehal sa bawat distrito mula walo hanggang 12, alinsunod sa Ordinance No. 144 ng pamahalaang lungsod ng Taguig.

Tiniyak ng hakbang na ito na ang mga residente ng mga nasabing barangay ay magkakaroon ng representasyon sa Kongreso at maaaring bumoto at mahalal sa House of Representatives. Ang karagdagang puwesto sa City Council ay magtitiyak ng patas na representasyon sa lokal na antas.

Isinaalang-alang ng resolusyon ng Comelec ang ordinansang ipinasa ng Lungsod ng Taguig. Pinalakas ito ng pagkakabuo ng Kongreso sa Concurrent Resolution No. 26, na isinasaalang-alang ang mga resolusyong inihain sa Senado at House of Representatives.

Sa kanyang manifestation nitong 24 Setyembre 2024, binigyang diin ni Cayetano ang pangangailangan na kumilos ng Comelec para tiyakin na makaboboto ang mga residente ng EMBO ng kanilang kinatawan sa Kongreso sa halalan sa 2025.

“We should not take away their right to have a representative and to vote for a representative,” sabi niya.

Sa isang desisyon noong 2021 na naging pinal noong 2022, idineklara ng Supreme Court na bahagi ng Taguig ang mga barangay ng EMBO ngunit hindi ito naitalaga sa partikular na distrito, kaya’t maaaring bumoto ang mga residente para sa lokal na opisyal pero hindi para sa kanilang kinatawan sa Kongreso maliban kung mayroong batas na maipapasa bago ang halalan sa 2025.

Ayon kay Cayetano, mahalaga ang Comelec resolution sa pagtugon sa isyung ito. “The other option for us now is huwag silang pabotohin. That will be the first time in Philippine history na mayroong bawal bumoto sa kanyang congressman,” wika niya.

“With over 300,000 residents and the number of voters in these areas, we cannot afford to do nothing,” sabi niya.

“People in the EMBOs will be very grateful that we gave them the choice, kung sino’ng gustong tumakbo at sino [ang] gusto nilang iboto,” dagdag niya. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …