Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robi Domingo

Robi nakakasang magkaka-anak ngayong 2024

MA at PA
ni Rommel Placente

EMOSYONAL si Robi Domingo sa pagdiriwang ng kanyang 35th birthday.

Sa pamamagitan ng Instagram videos, inihayag ni Robi ang kanyang nakaaantig na birthday wish, na hindi para sa kanyang sarili, kundi para sa misis niyang si Maiqui Pineda na sana raw ay gumaling na sa sakit.

Nabanggit din ni Robi na umaasa siya na magkaroon na sila ng anak ni Maiqui sakaling pumayag na ang mga doktor.

Sabi ni Robi, “I’m having some birthday blues. Some people say it’s time na mararamdaman mo na tumatanda ka na, but also, it’s a time na pwede kang mag-reflect sa buhay mo.

“My plan in the next five years is to be a better houseband and husband. And hopefully next year, when the Lord permits it and when her (Maiqui) condition permits it – depende sa clearance ng doctors, I hope to introduce you to a baby Robi or baby Maiqui, or why not twins?” patuloy ng TV host.

Chinika rin ni Robi ang initial plans sana nila noong nakaraang taon, ngunit ito ay naudlot dahil ang kanyang misis ay na-diagnose ng dermatomyositis, isang rare autoimmune disease.

Nakakasa na ako na by this year. Actually, by this month sana mayroon na akong anak. But then it happened.

“It’s hard…Maybe it’s not time yet, but I’m hoping na mangyari ‘yun.

But first things first, I want Maiqui’s sickness to be gone so that we could go back to our original plan. That’s my wish for my birthday. It’s not for me anymore,” dagdag ni Robi.

Bandang huli, nagbigay ng mensahe si Robi para sa kanyang future anak at maluha niyang sinabi na, “I am so ready to give all my love para sa ’yo.”

Sa Instagram Stories naman ng TV host, masaya niyang ibinandera ang naging birthday salubong na inihanda ni Maiqui para sa kanya.

Super appreciate my wife for making this possible [red heart emoji],” caption niya sa isang story.

Heart is immensely grateful! Thank you for the laughs, shots & stories [cake, red heart emojis].”

Pagbubunyag pa ni Robi, “I told her I just wanted sushi and drinks for my birthday. She gave me those and a big party with friends [cake emoji].”

Taong 2022 nang ma-engage ang married couple at sila ay ikinasal noong Enero lamang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …