Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Stell Pablo Julie Anne Billy Dingdong

Stell at Pablo nagbabardagulan, pinag-uunahan ng mga bagets

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NAKAKALOKA naman ang bardagulan nina Stell at Pablo ng SB19 bilang dalawa sa mga coach ng The Voice Kids Philippines sa GMA 7.

Kwela at marami ang naaaliw everytime na nagpaparunggitan sila ng kanilang mga ‘kakayahang manghikayat’ ng iniikutan nilang contestant o hopeful.

Obvious na sikat na sikat na si Stell sa mga bagets na kahit nga hindi siya umiikot ay pinipili pa rin siya.

Equally competent naman si Pablo na talagang sinasabayan ang ka-eklayan ni Stell.

Tanggap naman ni Billy Crawford na parang saling-pusa siya sa mga coach dahil bihira nga siyang piliin ng mga bata kahit nauuna pa siya at halos makiusap na sa mga ito. Si Julie Anne San Jose naman ay kampante sa kanyang upuan dahil tanggap na rin nitong sa kanilang apat, laging nangunguna si Stell sa mga bata.

Si papa Dingdong Dantes ang host  ng The Voice Kids Phils. at nabigyan nga niya ng ibang kulay ang hosting kung ikukompara sa estilo noon ng mga Kapamilya host na humawak dito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …