MA at PA
ni Rommel Placente
HINDI mapigilan ni Ogie Diaz ang mag-alala sa dating alaga na si Liza Soberano dahil sa kasalukuyang nangyayari sa career at sa buhay nito ngayon.
Balita ngang umalis na si Liza sa pangangalaga ng Careless Music ni James Reid. At plano umano nitong magpa-manage sa isang talent management sa USA.
Sabi ni Ogie, “Sana magising na si Liza sa katotohanan, kailangan na niyang magising. Dahil ako kilala ko ‘yung bata na ‘yan. ‘Di ko makalimutan na mabait ‘yang bata na ‘yan. Hindi ko lang alam kung bakit nag-360 degrees na change ang nangyari.
“Alam mo, we are open to changes pero huwag naman ‘yung 360 degrees. Parang hindi na si Liza ‘yun.”
Naniniwala rin si Ogie na hindi lang naman si Liza ang may pakana sa likod ng mga nangyayari bagkus may mga tao na nakai-impluwensiya sa mga sinasabi at nagiging desisyon.
“Ako ah, para sa akin, parang iba eh. Parang nadiktahan. Katulad ng vlog niya, hindi ako naniniwalang galing lahat ‘yun kay Liza. ‘yung mga sinabi niyang ‘yun?” sey pa ni Ogie.