Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
LA Santos Kira Balinger Kathryn Bernardo Alden Richards KathDen

LA at Kira na-preempt movie ng KathDen

MA at PA
ni Rommel Placente

NAPANOOD namin ang Maple Leaf Dreams, launching movie ng tambalang LA Santos at Kira Balinger sa special celebrity at press screening nito last Friday, September 20, sa Gateway 2 Cinema 12.

In fairness, maganda ang pelikula. At parehong magaling sina LA ay Kira.

Kaya naman nang maging official entry ang Maple Leaf Dreams sa katatapos na Sinag Maynila Film Festival 2024 ay parehong na-nominate sa acting category ang dalawa.

Nominado sa Best Actor category si LA at apat lamang silang naglaban-laban. Ang mga nakalaban ng aktor ay sina Ronnie Lazaro, Bryan Wong, at Tony Labrusca. Si Ronnie ang nagwagi sa naganap na Gabi ng Parangal.

Si Kira naman ang tanging nakalaban ng veteran actress na si Rebecca Chuaunsu (para sa pelikulang Her Locket) na siyang nagwaging best actress. Pero kahit parehong natalo sina Kira at LA, feeling winner na rin sila sa nakuhang nomination.

After ng screening ay nagkaroon ng mediacon. Tinanong sina Kira at LA kung anong reaksiyon nila na tila na-preempt nila ang Hello, Love, Again nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na sa Canada rin kinunan.

Sabi ni LA, “Ako siguro, sobrang happy ako na masasabi kong nag-Canada (shooting) kami.

“I’m very happy na mabanggit lang na kasama sila at sobrang blessing naman talaga ‘yung makapunta sa Canada.”

Para naman kay Kira, “I believe that every OFW story is different. I mean, we may have the same location po as ‘Hello, Love, Again.’

“Pero malay po natin baka magiging sad ‘yung ending nila, sa amin happy. I believe that every OFW story deserves to be told and that they are all different.”

Sey naman ni Direk Benedict Mique, direktor ng Maple Leaf Dreams, I think the more OFW stories na mapapalabas is more beneficial sa ating mga kababayan, kasi there are so many stories to be told and to be shared.

“And I think the more na we support Filipino film na ganito, it is the more na sinusuportahan ‘yung mga kamag-anak natin, ang mga mahal natin sa buhay abroad. Because this is their story.”

Kasama rin sa Maple Leaf Dreams sina Joey Marquez, Ricky Davao, Snooky Serna, Malou Crisologo, Jef Gaitan, Jong Cuenco, Hannah Thalia Vito, Luke Alford,  Kanishia Santos, Benito Mique, Wilson Martinito, at si Miss International 2013 Bea Rose Santiago.

Showing na ang pelikula sa mga sinehan nationwide simula September 25 at sa September 27 naman mapapanood na ito sa ilang major cities sa Canada tulad ng Toronto, Winnipeg, Calgary, Edmonton, at Vancouver.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …