Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Clifford MAKA

John Clifford ipinagdasal makasama sa MAKA

MA at PA
ni Rommel Placente

ISA sa mga bida sa youth-oriented show ng MAKA ang gwapong young actor na si John Clifford.  Gumaganap siya rito bilang si JC Serrano, isang make-up artist sa isang punenarya, na family business nila. 

Ang show ay napapanood tuwing Sabado,4:45 p.m. sa GMA 7.

Sobrang  happy si John Clifford na napabilang siya sa MAKA. Noong nag-audition siya para sa role, ipinagdasal niya na makuha/mapili siya, na nangyari nga.

Ito ‘yung isa sa mga show na sabi ko, ‘Please, Lord.’ This is the show that I really want to have a shot, have a chance of doing,” sabi ni John Clifford nang maka-chikahan namin nang makita sila ng kanyang mommy Pie sa isang food chain.

Dagdag niya, “Until now hindi pa rin ako makapaniwala na I’m finally part of the new youth-oriented show ng GMA.

“I really feel happy kasi ‘yung goal ko is siguro to be of reach to the youth, to the people like sa mga ka-age ko na magkaroon ng voice. ‘Di ba kasi alam ko naman na hindi puro happy or good side ‘yung nararamdaman namin, marami rin kaming hardships na nararamdaman especially sa age namin.”

Ang MAKA ay may halong musical. At kaya gusto nga ni John na mapabilang dito, dahil kumakanta rin siya. Isa ang pagkanta sa mga talent ng bagets.

Kaya bukod sa pag-aartista, pangarap din niyang maging isang recording artist.

Actually, ‘yan ‘yung first love ko talaga, ‘yung singing. Noong bata pa ako, ‘yun talaga ‘yung talagamg gusto kong i-pursue.

“Pero ngayong I started acting, parang gusto kong pagsabayin ‘yung dalawa,” sabi ng binata.

Bukod kay John Clifford, ang limang bida pa sa MAKA ay ang kapwa Sparkle artists niya na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, at Olive May.

Kasama rin sa  MAKA sina Romnick Sarmenta, Tina Parer, Sharmain Arnaiz, Maricar De Mesa among others.

Aminado si John Clifford na na-star struck siya sa mga co-star niya sa show, lalo na kay Romnick.

Talaga pong na-star struck ako kay Sir Romnick. Dati po, noong bata pa lang ako, pinapanoood ko siya, ngayon katrabaho ko na siya.”

Given a chance, gusto ni John Clifford na gumawa ng mga romantic-comedy film.

Pero siguro in the future, gusto ko ring ma-try ‘yung  mga horror, action, drama, mga ganoon.”

Pangarap ni  John Clifford na makatrabaho ang mag-asawang Marian Rivera, na aminado siyang crush niya, at Dingdong Dantes, na paborito niyang aktor.

Para sa kaalaman ng lahat, nagsimula si John Clifford bilang isang commerical model bago siya napasok sa showbiz. Isa sa mga nagawa niyang commercial ay nakasama niya si Dingdong.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …