Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Aga Muhlach Nadine Lustre

Ate Vi ayaw pa-pressure sa Uninvited; Ine-enjoy pakikitrabaho kina Aga at Nadine

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NAKAKAILANG araw na ring sunod-sunod ang shooting ng ating Queenstar for all Seasons na si Vilma Santos para sa thriller movie na Uninvited.

Nang dahil nga sa social media, halos nabibigyan ng updates ang mga Vilmate  at iba pang equally excited na mga supporter sa mga nagaganap sa shooting.

Kahit si Ate Vi ay nagagawang mag-post ng throwback picture nila ni Nadine Lustre na muli niyang makakasama sa naturang project directed by Dan Villegas. Super bagets pa si Nadine nang makasama niya ito noon.

At siyempre pa kahit si Aga Muhlach ay nagsasabing sobra siyang excited sa balik-tambalan nila ni Ate Vi, na halos noong 90’s pa nang huli silang magkatambal.

May mga nagdarasal na sana ay makaabot ito sa Metro Manila Film Festival (MMFF) this December, but then again, narinig naman natin na ayaw ma-pressure ni Ate Vi tungkol diyan as she wants to enjoy every moment na katrabaho niya ang mga Gen Z gaya nina direk Dan, Tonette Jadaone, at Irene Villamor na puro mga kilalang filmmaker sa henerasyong ito, plus ang very active producer na si Bryan Diamante.

Pinag-usapan nga at halos nag-viral ang naging cast reveal ng Mentorque production para sa Uninvited where Ate Vi is playing dual roles as Lilia and Eva.

Makakasama nga rin nila sina Tirso Cruz lll, Lotlot de leon, Mylene Dizon, Elijah Canlas, RK Bagatsing, Gabby Padilla, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Ron Angeles at marami pang iba.

Tunay namang kaabang-abang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …