MA at PA
ni Rommel Placente
INANUNSYO na ng PASADO (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro) noong Miyerkoles, September 18, ang mga nagwagi sa 26th Gawad PASADO. Gaganapin sa Oktubre 12 sa Philippine Christian University, Manila ang Gabi ng Parangal.
Si Paulo Avelino ang itinanghal na PinakaPASADONG Aktor sa Telebisyon para sa seryeng Linlang. Ka-tie niya si John Arcilla para naman sa Dirty Linen. Si Janine Gutierrez ang wagi bilang PinakaPASADONG Aktres sa Telebisyon para sa Dirty Linen. At ang nasabing teleserye naman ang mag-uuwi ng tropeo bilang PinakaPASADONG Teleserye.
Narito pa ang mga nanalo para sa major categories sa 26th Gawad PASADO.
PinakaPASADONG Pelikula ng Taon—Gomburza, Firelfly, at Third World Romance.
PinakaPASADONG Direktor ng Taon—Jose Pepe Diokno (GomBurZa); PinakaPASADONG Aktres—Charlie Dizon (Third World Romance) at Kathryn Bernardo (A Very Good Girl); PinakaPASADONG Aktor—Cedrick Juan (GomBurZa) at Ken Chan (Papa Mascot);
PinakaPASADONG Katuwang na Aktres—Dolly de Leon (A Very Good Girl); PinakaPASADONG Katuwang na Aktor—Enchong Dee (GomBurZa) at Epy Quizon (Firefly); PinakaPASADONG Batang Aktor—Euwenn Aleta (Firefly).
Samantala, sa tanong kung bakit hindi na-nominate si Nora Aunor bilang PinakaPASADONG Aktres para sa pelikulang Pieta, naka-anim nang PinakaPASADONG Aktres trophy si Ate Guy. Iniluklok na ito bilang Hall of Famer para sa PinakaPASADONG Aktres.