Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Yulo Ai Ai delas Alas

Ai Ai susuportahan live selling ni Angelica

MA at PA
ni Rommel Placente

MATAPOS mag-post ng mensahe si Ai Ai delas Alas sa social media tungkol sa pinagdaraanan ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica nitong nagdaang linggo, may pampa-good vibes message na naman ang komedyana sa kapwa niya ina.

Nakarating kasi sa komedyana ang pagsabak ng nanay ni Carlos sa online selling kaya naman agad siyang nagsabi na aabangan niya ang muling pagla-live nito sa Facebook.

Nangako si Ai Ai na suportado niya si Angelica sa mga ginagawa nitong diskarte para makatulong sa pangangailangan ng kanilang pamilya lalo pa’t tila wala pang planong makipagkita si Carlos sa kanila matapos kumita ng mikyon-milyon sa 2024 Paris Olympics.

Ang nakasaad sa Facebook post ni Ai Ai, “Nakita ko sila may nag send saken sa messenger. Kelan kaya ulit live selling nila? Bibili ako…support ko live selling nila.”

Ginamit pa ng komedyana ang mga hashtag  #madamingmadami, #letsgomudrakels at #labansabuhay.

Nauna nga rito, nagpahayag din ng suporta si Ai Ai kay Angelica hinggil naman sa alitan nila ng anak na si Caloy pati na rin sa girlfriend nitong si Chloe San Jose.

Naniniwala pa rin siya sa kasabihang, “mother knows best” pagdating sa pag-aalaga at pagpapalaki sa mga anak.

Siyempre umiibig ang ating olympian … pero may kasabihan nga pag-ibig ‘pag pumasok kanino man hahamakin lahat masunod ka lamang…pero mas naniniwala ako sa kasabihan (pagdating ito sa pagibig ahhh) Mother knows Best.

“At sinasbi ko rin ‘yan sa mga anak ko pagdating sa pag-ibig kasi na-experienced ko na hindi sumunod sa nanay ko pagdating sa usaping lovelife.

“Ayun flop lahat pero si Gerald nagustuhan nya o tama na naman si mother. ‘Yun lang bye,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …