Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Umali Ruru Madrid

Ruru hanggang pangako muna ng kasal kay Bianca

MA at PA
ni Rommel Placente

SABI ni Bianca Umali, nangako raw ng kasal sa kanya ang boyfriend na si Ruru Madrid

Kaya naman tinanong si Ruru sa guesting niya sa 24 Oras tungkol sa pangakong kasal niya kay Bianca.

Napangiti muna ang binata sabay sabing, “Simula naman noong unang beses kong nakasama’t nakilala si Bianca, pinangakuan ko na siya agad. Hanggang pangako lang muna tayo.”

At nang sundutin ng tanong kung kailan nga ba mangyayari ang promise niyang kasal kay Bianca, sagot  ni Ruru, “Malalaman natin ‘yan sa susunod na kabanata.”

Anim na taon nang tumatakbo ang relasyon nina Bianca at Ruru, at palagi nilang sinasabi sa mga interview nila na natagpuan na nila ang kanilang the one at forever at looking forward din sila sa kanilang magiging future together.

Akala ko dati hindi totoo ‘yun. Pero noong dumating siya sa buhay ko, nakaramdam ako ng spark.

“Hindi ko ’yun naisip dati but ngayon, sobrang proud ako na ipagmalaki na ‘yun ‘yung nararamdaman ko para sa kanya,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …