MA at PA
ni Rommel Placente
BINUWELTAHAN ni Andi Eigenmann ang mga pumupuna sa pagpapalaki sa kanyang mga anak, lalo na kay Lilo.
Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ibinandera ng aktres ang video ng anak na babae na mag-isang nagse-surf sa kabila ng murang edad.
Kalakip niyan ang kanyang caption na tungkol sa isang unsolicited advice na ang sabi ay dapat ipasok sa paaralan ang kanyang anak imbes na puro pagse-surf ang inaatupag.
“Someone somewhere on the internet told us to put her in school instead of letting her surf,” wika ni Andi.
Ang sagot ni Andi, “doing both, and excelling in both. Thanks very much.
Sa isang separate post sa IG, proud na ibinahagi ni Andi ang husay ni Lilo sa nasabing water sports.
“Our [five-year-old] Lilo taking on bigger waves by the day. Always smiling amidst these wipeouts too,” caption ng dating aktres.
Kuwento pa niya, “They choose to start most of their mornings this way. A surf sesh, skate sesh or just a nice walk outside with papa (Philmar Alipayao) and the dogs.
“It’s a good way to get her energized and in the mood for some kindergarten activities at home afterward,” aniya pa.