Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Chiu Paulo Avelino My Love For You Will Make You Disappear

Showing ng KimPau movie ‘di na tuloy sa Oktubre

MA at PA
ni Rommel Placente

NAIBALITA namin sa online show naming Marisol Academy Tonite nina Mildred BacudRoldan Castro, at Rodel Fernando na sa October na ang showing ng launching movie nina Paulo Avelino at Kim Chiu mula sa Star Cinema na My Love Will Make You Disappear. 

Pero hindi na pala ito matutuloy.

Nag-chat kasi kami kay Edith Farinas, ang handler ni Kim sa Star Magic. Tinanong namin siya kung tuloy na tuloy na sa October ang showing  ng nasabing pelikula. Aniya, hindi tuloy. 

Hindi pa raw binabanggit sa kanya ng taga-Star Cinema kung kailan ipalalabas ang MLWMYD.

Excited pa naman ang KimPau fans na maipalabas na ang pelikula sa October. Gusto na talaga nila itong mapanoond. ‘Yun pala ay naudlot ang showing. Sana ay gawin na lang pang-Valentine’s offering ng Star Cinema ang MLWMYD.

Pero naniniwala kami na kahit kailan pa i-showing ang pelikula, magiging blockbuster ito. Sikat na sikat kasi ang KimPau ngayon. Marami silang mga tagahanga, na talagang lulusob sa mga sinehan once naipalabas na ang kanilang pelikula.

At ang daming grupo ng mga tagahanga nila ang nagpaplanong magpa-block screening tulad ng KimPau Team Abroad Official at KimPau Universe.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …