PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
HERE’S praying na by the time this comes out ay magaling na magaling na ang ating Queenstar for all Seasons na si Ms Vilma Santos.
After nga kasing magkasakit ito matapos ‘yung blessing and inauguration ng Archive 1984, nabinat ito dahil agad na nag-exercise.
Kaya raw during the event sa Batangas na naroon ang kanyang immediate family sa pangunguna ni Sec. Ralph Recto at mga anak na sina Luis at Ryan Christian ay nasa bahay lang si ate Vi at nagpapalakas.
Kalat na kalat na ang balitang muling tatakbo bilang Governor ng Batangas si Ate Vi. May pahayag na rito si Sec Ralph na halos nasa 75% more or less na ang planong ito, with Luis na tatakbo na rin (as Vice Gov) at si Ryan bilang Congressman.
Although kinompirma na ni Ate Vi ang gagawing movie with the tandem of direk Dan Villegas at Antoinette Jadaone, hindi pa ito nasisimulan dahil na rin sa pagkakasakit ni Ate VI na nagsabi ngang ayaw niyang ma-pressure o magpa-pressure.