PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
RUNNING joke na nina Martin Nievera at Ogie Alcasid ang mga linyang, “hindi kasi available si Gary V,”kaya’t ang una raw ang kinuhang artist ng production house (A-Team) ng mister ni Regine Velasquez.
Whether half meant or what ang joke, big fan kasi ng Alcasid and Velasquez families ang Concert King.
Lagi ngang nagpiprisinta si Regine na maging guest, habang ang producer ding si Cacai Mitra ay aminadong fan na fan ni Martin.
“It’s just a fitting tribute of sort to his contribution to the industry kaya’t ipag-pu-produce namin. Forty two years is undeniably not a simple thing. Kailangan bongga ang celebration,” hirit pa ni pareng Ogie.
Sa Sept. 27 sa Araneta Coliseum magaganap ang The King 4ever concert at siyempre pa, asahan na natin ang big surprises dito.
Ang inaanak ni Martin na si Paolo Valenciano na panganay na anak ni Gary V ang muling magdidirehe ng show.