Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nora Aunor Phillip Salvador Bona Cinemalaya 2024

Ate Guy dumalo sa pagpapalabas ng Bona bilang closing film sa Cinemalaya

MA at PA
ni Rommel Placente

DUMALO kami sa huling pagpapalabas ng mga kalahok na pelikula sa Cinemalaya 2024 sa Ayala mall Manila Bay nitong Sabado. Closing Film ang classic movie ng yumaong si Direk Lino Brocka na Bona, na pinagbidahan ng National Artist na si Nora Aunor, katambal si Phillip Salvador.

Ang Bona ay isa sa mga pelikulang kalahok noong 1980 sa Metro Manila Film Festival

Apat na sinehan na sabay-sabay pinalabas ang restored 4k version ng Bona. At present doon sina Ate Guy at Ipe.

Nakatutuwa si Ate Guy, dahil kahit may sakit, na naka-wheel chair nang dumating sa sinehan, ay talagang naglaan ng oras para puntahan ang pagpapalabas ng kanyang pelikula.

At nakatutuwa rin ang mga Noranian, dahil ipinakita nilang muli ang pagmamahal nila sa kanilang idolo dahil nanood/sinuportahann nila ang Bona.

At after ng pelikula ay standing  ovation sila at  nagpalakpakan.

Ilang beses na naming napanood ang pelikula sa telebisyon. At kaya namin muling pinanood ay dahil gusto namin ang pelikula. Simple lang ang istorya nito pero talagang maganda. At mahusay dito si Ate Guy.

Masasabi namin na ang Bona, ang isa sa pinakamagandang pelikula na nagawa ni Ate Guy.

At ang ganda-ganda niya sa movie, huh!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …