Thursday , April 3 2025
PDEA BOC-NAIA IADITG

P7,738,800 ilegal na droga sa tatlong parcel naharang sa isang warehouse sa Pasay City

HALOS P8 milyong halaga ng ilegal na droga mula sa tatlong abandonadong parcel ang nasabat ng Bureau of Customs (BoC) at NAIA PDEA-IADITG sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Domestic Road, Pasay City.

Una rito naharang ng Customs examiners ang parcel na idineklarang collectible camera film roll padala ng ABH Studios ng CA USA na naka-consign sa isang Eliazar Nace ng Cebu City na naglalaman ng 96 boxes ng cartridge ng marijuana oil na may standard drug price na aabot sa P5,760.

Ang pangalawang parcel ay idineklarang women’s tshirt na padala ng isang Linda Kim mula sa CA USA na naka-consign sa isang Julies Rivera ng Bacolod City, Negros Occidental, kung saan nakalagay ang plastic bag na naglalaman ng Marijuana (Kush) may 468 grams at may standard drug value na P655,200.

Ang pangatlong parcel na idineklarang “clothes & dinner stone” na padala mula sa Pakistan, naka-consign kay Erin Jane De Asis ng Naga City, Camarines Sur., na naglalaman ng 957 grams ng hinihinalang shabu, may standard drug value of P6,507,600.

Ang mga nasamsam na ilegal na droga na may kabuuang halagang aabot sa P7,738,800 ay nai-turnover na ng Customs sa NAIA PDEA-IADITG para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong …

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …