MAGSASAGAWA ngayong araw si Senador Lito Lapid ng AICS payout at relief mission para sa mga mangingisda sa Masinloc, Zambales na nawalan ng kabuhayan dahil sa fishing ban ng China sa Bajo de Masinloc noong 15 Hunyo.
Si Lapid ang nakaisip na hatiran ng ayuda at family food packs ang mahigit 300 fishermen na apektado ng fishing ban.
Bukod sa relief goods, mag-aabot din ang Senador ng tig-P3,000 kada mangingisda para sa pangangailangan ng kanilang mga pamilya.
Sa pamamagitan ng kaniyang inisyatiba, naglaan si Lapid ng P1-milyon para sa ayuda sa mga mangingisda sa Masinloc, Zambales.
Base sa datos ng munisipyo, mahigit sa 3,000 mangingisda ang naapektohan ng fishing ban sa buong Masinloc. (NIÑO ACLAN)