Wednesday , April 2 2025
MMDA, NCR, Metro Manila

170 tonelada basurang iniwan ng bagyong Carina nakolekta ng MMDA

UMABOT sa higit 170 toneladang mga basura ang nakolekta ng mga tauhan ng MMDA sa pangunguna ng Metro Parkways Clearing Group na iniwan ng habagat at bagyong Carina.

Ayon sa MMDA katuwang ng ahensiya ang TUPAD program beneficiaries na ibinigay ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang alisin ang mga tambak na basura sa Metro Manila.

Patuloy ang paghahakot ng MMDA ng mga basurang natanggal mula sa mga lansangang barado ang mga daluyan ng tubig sanhi ng malawakang pagbaha dala ng nagdaang bagyong Carina at Habagat.

Panawagan ng MMDA sa publiko maging responsable sa pagtatapon ng basura upang hindi na maulit ang nangyaring mga pagbaha dulot ng basurang bumabara sa mga daluyan ng tubig. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

PINATAWAN ng 90-araw suspensiyon ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya sa pagmamaneho ng SUV …