Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alex Gonzaga 14 illion Youtube sub

Alex ibinandera 14M subscribers sa YT

MA at PA
ni Rommel Placente

BONGGA ang vlogger, TV host, at aktres na si Alex Gonzaga dahil mayroon na siyang 14 million subscribers sa YouTube. Talagang sikat na sikat na ang bunsong anak ni Mommy Pinty. Well-followed talaga siya sa social media.

Sa Instagram, ibinandera ni Alex ang ilang pictures niya na nasa beach, pati na rin ang screenshot ng homepage niya sa nasabing video-sharing platform.

“Hi netizens. Two days before I celebrate the 7th year of my youtube channel, we reached 14M!” caption niya sa post.

Wika pa niya, “Malayo na pero malayo pa! Mahal ko kayo.”

Sa Instagram Story naman, lubos siyang nagpasalamat sa lahat ng kanyang fans na sumuporta at tumulong para makamit itong achievement.

“Mahal ko kayo, netizens. Ginapang natin ‘to [nang] magkakasama,” sambit niya.

Ilan lamang sa mga nagpaabot ng “congratulatory” message kay Alex  ay ang mga bigating personalidad na sina Karen Davila at Sen. Loren Legarda na naka-collaborate din niya sa videos.

Ang YouTube channel ni Alex ay inilunsad noong July 19, 2017 at mula niyan ay marami na siyang itinampok na kapwa-artista at content creators.

Taong 2018 naman nang makatanggap si Alex ng Gold Play Button reward mula sa YouTube dahil nalampasan niya ang isang milyong subscribers.

Taong 2019, mayroon na siyang five million subscribers.

At taong 2021 ay umaani na si Alex ng mahigit one billion views at 11 million subscribers.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …