Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kumu Jayr Sabinay, Jaime Ballesteros, Rogie Guillermo, Sandy Ian Garcia, Peter Miles, Bryan Cortez

SM Agency top quality streamers gumanda ang buhay sa Kumu

MA at PA
ni Rommel Placente

NA-MEET namin ang ilan sa SM Agency top quality streamers ng KUMU na sina Jayr Sabinay, Jaime Ballesteros, Rogie Guillermo, Sandy Ian Garcia, Peter Miles, at Bryan Cortez. Tinanong namin sila kung ano ang nag-udyok sa kanila para maging live streamers sa KUMU.

Sabi ni Sandy, “Honestly speaking, galing po ako ng ibang app. So, marami na akong na-try. Pero rito lang ako talagang nagtagal sa KUMU.

“Kasi sa KUMU, nakita ko kung paano ‘yung tamang  attitude, na kailangang maging malinis ka sa harapan ng mga tao. Kailangan kung paano ka maging malinis na makipagsalamuha sa kanila.

“Hindi lang dahil kikita ka ng malaki rito. Makaka-gain ka ng more friends. Makikilala mo ‘yung ibang mga tao,” anito.

Sabi naman ni Bryan, “Ako naman, ang nag-udyok sa akin sa KUMU is to showcase my talent. Kumakanta kasi ako sa live streaming. So, nag-i-enjoy  ‘yung mga viewer ko. Besides that, makakakilala ka ng true friends. And then sa agency namin, family ‘yung turingan namin sa isa’t isa.

I think KUMU really helped my confidence to boost. And thru KUMU, I create personal connections and engagement thru each and everyone with no gender, with no any expectation,” sabi ni Peter.

Pagkatapos ko po sa school, ayun po, nag-i-steaming po ako. Natutulungan ko po ‘yung parents ko dahil sa kinikita ko sa KUMU,” sabi ni Regie.

Ako naman po, ‘yung friends ko ang nag-udyok sa akin na mag-KUMU. Dahil sa KUMU, maraming pangarap ko ang natupad,” sabi ni Jaime.

Na-stop po ako sa pagku-KUMU and then bumalik po ako. Ayun, nakilala ko ‘yung sarili ko thru KUMU. At kung paano ba makikihalubilo sa ibang mga tao. Natutulungan ko rin ‘yung pamilya ko financially. Ang content ko po, kumakanta ako,” sabi rin ni Peter.

Ang presidente ng KUMU ay si James Rumohr. Si Jeffrey Jimenez naman ang SM Agency Manager. At si AJ Tabangay ang Marketing Manager.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …