Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Itan Rosales Christine Bermas Angela Morena Kaskasero Vivamax

Itan Rosales mala-Fast and Furious ang Kaskaserong movie sa Vivamax

MA at PA
ni Rommel Placente

MASAYA kami para sa alaga ng 3:16 Media Network ni Miss Len Carrillo na si Itan Rosales dahil sa ganda ng takbo ng kanyang career. Sunod-sunod ang paggawa niya ng pelikula.

Natapos niyang gawin ang Hiraya mula sa 3:16 Media Network sa direksiyon ni Sidney Pascua na palabas na ngayon sa Vivamax, at ang Kaskasero na launching movie niya mula pa rin sa 3:16 Media Network. 

And soon ay magsisimula na siyang mag-shoot para sa Uhaw with VMX Queen Angeli Khang and VMX Princess Ataska.

Sobrang nakabibigla po itong atensyon na ibinibigay sa akin. Nakaka-pressure rin. Pero ginagawa ko lang naman po kung ano ang hinihingi sa akin sa mga project ko,” sabi ni Itan nang makausap after ng show ng grupo nila na VMX V  last Saturday sa Viva Cafe.

Maipagmamalaki ni Itan ang Kaskasero dahil aniya, ay first time lang magkakaroon ng ganoong pelikula sa Vivamax, na mala-Fast & Furious ang dating.

Itong movie namin na ‘Kaskasero,’ ngayon lang magkakaroon ng ganitong genre sa Vivamax na parang ang peg ay mala-‘Fast & Furious,’ may action po talaga na mapapanood dito, like ‘yung mga car racing.

“Para po akong si Paul Walker dito sa movie. Biro nga nila, dapat mas astig, kaya Paul Runner (at hindi lang Paul Walker) ang dapat na maging peg ko, hahaha,”natatawang sabi pa ng gwapong aktor.

Pagpapatuloy niya, “Ang kapartner ko po rito ay sina Christine Bermas at si Angela Morena. Sobrang gaan nila katrabaho, sobrang professional, sobrang bait, and sobrang welcoming nila.”

Siyempre po may churbabahan dito, sa Vivamax po ito mapapanood, eh, hahahaha!” natatawa ulit na sabi ng gwapong aktor nang usisain namin kung may mga maiinit na love scenes ba sa kanilang movie.

Although gumagawa ng  mga sexy movies si Itan pero may limitasyon pa rin siya.

May limitation pa rin naman po. Kaya ko naman ‘yung mga daring role, pero hanggang doon lang muna na may maiiwan pa rin sa imahinasyon ng mga manonood.

“Daring lang po, hindi naman all the way. At saka ‘yun ang role ko, kaya ginawa ko lang naman po. Trabaho lang naman ‘yun at very professional kaming lahat doon,” aniya pa.

Sa lahat ng magandang nangyayari sa kanyang career,siyempre thankful ang gwapo at mahusay na aktor kay Ma’am Len na hindi lang basta manager niya kundi tiyahin, sa all-out support nito sa kanyang career.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …