MA at PA
ni Rommel Placente
KAPWA inamin sa magkahiwalay na panayam kina Darren at Jayda Avanzado sa show na Fast Talk With Boy Abunda, na noong mga bata pa sila ay nagkaroon sila ng relasyon.
Sabi ni Jayda, “Ito po ang masasabi ko,Tito Boy, totoo po na there was something romantic between us noong mga bata pa kami. But it was something I look fondly back on. Ito lang ang masasabi ko, it was a mutual understanding.”
Sa pagbisita muli ni Jayda sa Fast Talk with Boy Abunda sa ikalawang pagkakataon, nakasama naman niya ang amang si Dingdong Avanzado, na na-tackle ang past relationship ng singer-actress.
At dito, nabanggit ni Jayda na hindi nila napag-usapan ng kanyang ama ang tungkol sa nakaraan nila ni Darren.
“To be honest though, I don’t think I ever actually directly talked about it. Not yet. Siguro ngayon lang. Dito talaga natin mapag-uusapan. Ha-hahaha!” natatawang sabi ng magandang anak nina Dingdong at Jessa Zaragoza.
Patuloy niya, “But when it comes to my dad, sometimes I don’t need to tell. Eventually, we talk about it as time passes.”
Sabi naman ni Dingdong, maraming guys na nai-intimadate kay Jayda.
“Boys ang mas intimidated sa kanya.
“Sa umpisa, may attempt, pero after a while, they have second thoughts or chicken out because she’s got a good personality and a good head above her shoulders,” sabi ni Dingdong.
“I trust that she will choose well. Normal na you will see these boys and you will like each other. Ang sinasabi ko lang sa kanya is don’t forget her responsibilities and priorities,” dagdag pa ng OPM artist.
Aware rin ni Dingdong na ibang-iba na ang takbo ng entertainment industry ngayon kung ikukompara noong panahon nila ni Jessa kaya naiintindihan niya ang mga nagiging desisyon ni Jayda when it comes to her career.
Pahayag naman ni Jayda, “I would say that the turnover time in the music industry now, napakabilis. Kung ano man ‘yung sikat nitong week na ito, baka iba next week.
“There’s a constant fight for relevance. But I like to play with the hand that I’m dealt with and the resources I have. I believe in sticking to your guns and what’s authentic to you. Napansin ko ang bina-value ng mga tao is authenticity,” sey pa niya.
Pagkukompara naman ni Dingdong sa magkaibang panahon nila ng anak sa mundo ng showbiz, “Ilan lang ang platforms noon. There was only TV, radyo.
“When you go through that, mas madali in that sense. Kapag pumasok ka na sa radyo, kapag pumasok ka na sa TV, everybody’s tuned in there.
“Now, ang daming pwedeng puntahan ng tao. Pwedeng sikat ka sa isang grupo, pero ‘di ka kilala ng isang grupo sa society,” paliwanag pa niya.