PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
ALL praises si Vilma Santos sa pinanood niyang stage play na GRACE.
Ito nga ‘yung kuwento tungkol sa 1948 apparition sa Lipa, Batangas na rito nagsimula ang bokasyon ni Sister Teresita “Teresing” Castillo, ang kauna-unahang Pinay Carmelite noon sa bansa.
Nakasama ni Ate Vi noong Mayor pa siya ng Lipa, sa maraming okasyon ang madre hanggang sa namayapa ito.
Puring-puri si Ate Vi sa ganda at husay ng mga gumanap sa play na isinulat pa ng yumaong si direk Floy Quintos.
Matagal nang hindi nakakapanood ng stage play si ate Vi at hindi nga nito pinagsisisihan ang makabuluhang staging ng Grace, na tinampukan ng mahuhusay sa teatro gaya nina Stella Cañete-Mendoza, Shamaine Centenera-Buencamino, Frances Makil-Ignacio, Missy Maramara, Matel Patayon, Leo Rialp, Dennis Marasigan, Nelsito Gomez, Jojo Cayabyab, at Raphne Catorce.
May planong isapelikula ang buhay ni Sister Teresing at excited si Ate Vi na magawa ito.
Bongga, oh mga kapwa Vilmates, mukhang dumarami na ang mga nakalinyang movie projects for ate Vi huh!